History para kay LeBron
LeBron James at Anthony Davis
History para kay LeBron
(Pang-masa) - September 18, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Florida — Inihayag na ang mga All-NBA teams para sa 2020 season na pinamunuan nina LeBron James ng Los Angeles Lakers at Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks.

Sina James at Antetokounmpo ang mga unanimous selections sa First Team kasama sina Luka Doncic ng Dallas Mavericks, James Harden ng Houston Rockets at isa pang Laker na si Anthony Davis.

Isa na naman itong NBA record para kay James.

Ito ang ika-16 All-NBA honor ni James sa kanyang career para ungusan sina  Tim Duncan, Kareem Abdul-Jabbar at Kobe Bryant na may tig-15.

Ang kanyang pang-13 first-team selection ay isa ring NBA record.

Ito naman ang unang first-team selection ni Doncic para makasama sina James, Kevin Durant, Tim Duncan, Rick Barry at Max Zaslofsky bilang mga tanging players na nabigyan ng first-team honors sa edad na 21-anyos.

Kasama sa All-NBA Second Team sina Kawhi Leonard ng Clippers, Nikola Jokic ng Nuggets,  Chris Paul ng Thunder, Damian Lillard ng Trail Blazers at Pascal Siakam ng Raptors.

Nasa All-NBA Third  Team sina Jayson Tatum ng Boston, Jimmy Butler ng Miami, Rudy Gobert ng Utah, Ben Simmons ng Philadelphia at Russell Westbrook ng Houston.

 

LEBRON JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with