^

PM Sports

PBA gagamit ng ‘closed-circuit’

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa nalalapit na pagbabalik-ensayo ng PBA pagkatapos ng modified enhanced community quarantine (MECQ), tiwala si Commissioner Willie Marcial na magi-ging matagumpay ang gagawing ‘closed-circuit’ system upang masiguro ang kaligtasan ng lahat sa gitna pa rin ng banta ng pandemya.

Bagama’t hindi katulad ng perpektong NBA ‘bubble’ kung saan naka-lock-in sa loob ng Disney World Resort ang lahat ng miyembro ng 22-teams sa Orlando, Florida, kumpiyansa si Marcial sa ‘semi-quarantine’ set-up ng PBA na gagamitin din nila sakaling matuloy na rin ang mga laro nito.

Ayon kay Marcial, mahigpit na gagawin ang ‘bahay-venue-bahay’ na set-up na tagumpay naman ang naging resulta sa football league na Bundesliga sa Germany.

Hindi istriktong bubble ang ginawa ng German league subalit ligtas pa ring natapos ang torneo noong nakaraang Hunyo – bagay na nais ding maisakatuparan ng PBA.

Sa ilalim ng home-gym-home system, hindi pahihintulutang magpunta sa maski anong lugar bukod sa bahay patungong game venue at pabalik sa kada-tapos ng ensayo at laro. Kalakip din sa sistemang ito ang regular na disinfection ng practice facilities at COVID-19 testing sa players, coaches at staff.

Sa ngayon, naghihintay pa rin ang PBA ng go-signal sa opisyal na petsa ng pagbabalik kung sakaling matapos na ang MECQ sa Agosto 18 at bumalik na sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Sa bisa ng Joint Administrative Order ng GAB, PSC at DOH, balik-ensayo na sana ang PBA pero naudlot dahil sa  MECQ implementation mula noong Aug. 4.

Kasama sa naantala ang COVID-19 swab testing ng 12 koponan na numero unong requirement ayon sa guidelines at protocols ng JAO.

Sa pagbabalik-practice at sakaling gumanda pa lalo ang sitwasyon, buo pa rin ang pag-asa ng PBA na makapagdaraos ito ng All-Filipino Conference sa Oktubre matapos suspendihin ang operasyon noong Marso.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with