Kinaltas na allowance ng mga atleta ibabalik kung...
Russell Cadayona (Pang-masa) - August 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inasahang muling matatanggap ng mga national athletes at coaches ang 50 porsiyento ng kanilang monthly allo­wances na nawala dahil sa paggamit ng gobyerno sa pondo para sa pagharap sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic

Ang kailangan na lamang ay ang pag-apruba ng Senado, ayon kay Tagaytay City Congressman at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.

“Speaker Alan (Peter Cayetano) and Senate Pre­sident Vicente Sotto III have already discussed this and have come to a meeting of the minds,” ani Tolentino. “This will be discussed extensively in a scheduled bicameral meeting.”

Ayon kay Tolentino, siya ang nagpasok sa pondong P180 milyon sa House Bill No. 6953 o Bayanihan 2 para sa monthly allowances ng mga national athletes at coaches hanggang Dis-yembre.

Makakatanggap din sila ng dagdag na P5,000 para sa pagharap sa COVID-19 pandemic.

Ang nasabing pondo ay bahagi ng P162 bil-yong economic stimulus fund na nakapasa sa third at final reading sa lower house, ayon kay Tolentino.

Ginamit ng gobyerno sa paglaban sa pandemya ang P110 milyong pondo na para sana sa Philippine Sports Commission (PSC) na nagpapasahod sa mga atleta.

Sa kabila nito ay patuloy ang pagpapakondisyon ng mga national athletes sa kani-kanilang mga tahanan bilang paghahanda sa mga lalahukang international events sa 2021.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with