Bowling inihirit ni Paeng sa IATF
Paeng Nepomuceno
Bowling inihirit ni Paeng sa IATF
Russell Cadayona (Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsumite na si bowling legend Paeng Nepomuceno sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Di­seases (IATF) ng health at safety protocols para mapayagang makabalik sa operasyon ang mga bowling centers.

“I’ve been lobbying that bowling is not a contact sport and we can observe all the protocols. We have already submitted how it will open and we’ll be observing health and safety protocols,” sabi ni Nepomuceno na nag-guest sa  “Power and Play” program ni dating PBA Commissioner Noli Eala.

Simula nang ilagay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila noong Marso 15 dahil sa COVID-19 pandemic ay isi-nara na ang mga bowling centers sa mga malls.

“We have been very much affected. We’ve been closed since March 15. Most of the bowling centers are in the mall, so unang problema iyon,” sabi ng 63-anyos na si Nepomuceno na may-ari ng ilang bowling centers sa bansa.

Sakaling payagan ng IATF ang muling pagbubukas ng bowling centers sa mga malls ay plantsado na ang mga gagamiting health at safety protocols, ayon kay Nepomuceno.

“Even sa seating arrangement. Let say pagtira mo on one lane you will go to the next seat with distancing. The bowling balls should be cleaned after you exe-cute,” sabi ng four-time World Cup champion at kasalukuyang adviser ng Philippine national team.

Samantala, umaasa naman si Nepomuceno, tumutulong sa US Bowling Congress (USBC) sa pagbibigay ng sertipikasyon para sa mga coaches, na mapapasama ang bowling sa Olympic calendar.

“Sana hopefully mapa-sama ang bowling. We’re working on it,” wika ng legendary Pinoy bowler na ginawaran ng International Olympic Committee (IOC) ng President’s Trophy at ng “Athlete of the Millenium” ng bowling federation noong 1999.

Si Nepomuceno, may-ari ng tatlong Guinness World Records dahil sa kanyang apat na World Cup titles, ang unang la-laking bowler na iniluklok sa International Bowling Hall of Fame noong 1993 sa Arlington, Texas kung saan makikita ang kanyang estatwa.

IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with