^

PM Sports

May hiling si Jia Morado

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
May hiling si Jia Morado
Jia Morado

MANILA, Philippines — Tulad ng marami, miss na miss na rin ni national women’s volleyball setter Jia Morado ang bumiyahe kaya naman nag-share ito ng isang throw back photo sa Instagram na may kasamang munting kahilingan.

“Looking forward to the day we can explore the world again,” maiksing caption ng three-time Premier Volleyball League (PVL) champion.

Dahil sa COVID-19 pandemic, napahinto ang industriya ng turismo at hindi pinapayagan ng bawat bansa sa buong mundo na makapasok ang mga dayuhan sa kanilang lugar bilang pag-iingat.

Marami ang nakaka-relate sa post ni Morado tulad ng dati niyang kakampi sa Ateneo na si Ponggay Gaston na nagprisintang sumama sa lakwatsa niya sa oras na puwede nang mamasyal habang nagkomento naman ang Creamline libero na si Kyla Atienza ng “Baler.”   Sinagot naman niya ito ng “Eat, sleep, surf huhu the best.”

Kamakailan lang ay pinag-usapan sa social media  si Morado, ang isa sa mga pinakamaga-ling na playmaker sa bansa nang makipaghiwalay ito sa kanyang boyfriend sa loob ng limang taon na si Miguel de Guzman.

vuukle comment

JIA MORADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with