Yap nag-e-enjoy sa Italy kasama ang pamilya

MANILA, Philippines — Enjoy na enjoy ngayon si Rain or Shine Elasto Painters s guard James Yap sa kanyang pananatili sa Italya kasama ang pamilya.

Tila balik-normal na ang lahat sa Italya dahil naging maluwag na ang awtoridad dito at pinayagan na ang pagpunta sa beach, na sinamantala nina James at asawang si Michela Cazolla kasama ang mga anak.

“Beach day #family #beach #summer,” sabi ng dating PBA MVP sa Instagram post.

Sinusulit ni Yap ang kanyang libreng oras at todo bonding sa kanyang pamilya habang timeout muna ang pro league sa bansa at wala pang katiyakan ang pagbabalik nito.

Show comments