PBA coaches okay na
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - July 12, 2020 - 12:00am

Para sa pagbabalik-training

MANILA, Philippines — Aarangkada na ang pagbabalik training ng PBA matapos maplantsa ni si Commissioner Willie Marcial at ng 12 coaches ang protocols sa isang mahala­gang pagpupulong kamakalawa.

Isang linggo matapos makatanggap ng greenlight mula sa IATF para sa pagbabalik-ensayo, okay na ang mga protocols para sa restart program ng pinakamatandang pro-league sa Asya.

Tiwala ang PBA coaches gayundin ang team managers na masusunod ng lahat ng koponan at players ang mga protocols para sa kasiguruhan ng kaligtasan ng lahat laban sa COVID-19.

“I think it’s good. All we have to do is follow it,” ani Ginebra mentor Tim Cone.

“I think the PBA has put up an effective guideline to safeguard the players. It’s just a matter of attitude from the players to maintain it,” dagdag naman ni coach Yeng Guiao ng NLEX.

Isa sa komentong natanggap ni Marcial sa dayalogo sa pagitan ng coaches ay kung kailan papayagan ang scrimmage o 5-on-5 practice na mahalagang bahagi ng team training.

Ani Marcial ay idudulog niya ito sa isa pang meeting ngayon kasama naman ang 12 PBA go-vernors upang ma-finalize ang pagbabalik ng liga.

Ayon sa desisyon ng IATF ay hindi pa muna puwede ang scrimmage dahil general community quarantine (GCQ) pa ang Metro Manila hanggang sa Hulyo 15.

Sa ngayon, limitado lang muna sila sa conditioning at training kada-batch na bubuuin lamang ng hanggang anim na katao (4 players, 1 health officer at 1 trainer).

Bago naman ang opis-yal na pagbabalik ng ensayo na inaasahan sa susunod na linggo, kaila-ngang dumaan ang lahat ng players, coaches, officials at staff sa COVID-19 swab testing tatlong araw bago ang training.

Uulitin ang swab testing kada-10 araw upang mapanatiling ligtas at negatibo sa virus ang lahat sa kasagsagan ng training hanggang sa makabalik sa tuluyang paglalaro kung sakali.

 

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with