^

PM Sports

Kakaibang Kai Sotto nasilayan

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Kakaibang Kai Sotto nasilayan
Kai Sotto

MANILA, Philippines — Hindi sinayang ng Filipino prodigy Kai Sotto ang pagbabalik-ensayo niya sa U.S nang agad magpasiklab sa isang scrimmage ng Pro-Am summer league.

Armado ng pinalakas at pinabilis na katawan bunsod ng walang humpay na individual workouts sa gitna ng pandemya, mas mabangis na 7-foot-2 Sotto ang nagpagkitang-gilas at dumakdak sa mga kalaban.

Magandang footwork din ang ipinakita ni Sotto bukod pa sa mas matatas na vertical leap.

Nauna na siyang nag-post sa social media ng kanyang vertical leap na umabot hanggang pambihirang 11 feet at 11.5 inches. Maikukumpara ito sa 12-inch maximum vertical leap ng 7-foot-3 Dallas Mavericks star na si Kristaps Porzingis.

Nauna na ring sinabi ng coach ni Sotto sa The Skills Factory na si Rob Johnson na malaki ang ipinagbago ni Sotto sa ‘strength and explosiveness’ sa isang taong pag-eensayo upang maging handa  sa misyong maka-tapak sa NBA.

Si Sotto ang unang international signee ng G League.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with