^

PM Sports

PBA coaches optimistiko sa pagbabalik-aksiyon

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaasa ang PBA coaches na nasa tamang daan ang liga tungo sa inaasam na pagbabalik ng naantalang 45h Season matapos payagan ng IATF ang training at conditioning ng mga koponan nito.

Sa gabay ng dobleng pag-iingat at mahigpit na safety protocols, pasasaan ba’t matutuloy din ang 2020 PBA Philippine Cup matapos ang apat na buwan na pagkakatengga ayon sa mga batikang mentors na sina Tim Cone ng Ginebra at Yeng Guiao ng NLEX.

“If we can prove that we are doing this the right way, prove to the IATF and the board, I think we can progress to a point that we are playing games,” ani Cone.

“It’s feasible when we make it feasible. Dalawa lang ang choice natin, maghintay tayo ng vaccine na ‘di natin alam kung kailan dadating o gumawa tayo ng paraan. While there’s still no vaccine, let’s try something,” dagdag naman ni Guiao.

Noong nakaraang Biyernes ay nakakuha ng IATF go-signal ang PBA na ibalik na ang training at conditioning sa limitadong kapasidad na magandang sen-yales para sa season resumption kapag mas lumuwag na ang quarantine implementations sa bansa.

Ayon sa PBA request na inaprubahan ng IATF,  magsasanay ang 12 koponan ng kada-batch na bubuuin lamang ng hanggang anim na katao (4 players, 1 trainer at 1 health officer).

“We have to look for our own solution and be proactive. We’re the least of problems by government. Ang dami nilang problema kung sila ang iintayin natin. We have to start pushing for our own resumption,”  dagdag ni Guiao.

Ang mga protocols at guidelines na ito kabilang na ang No.1 requirement na COVID-19 swab testing ay paplantsahin ni Marcial ngayon sa pagkikipagpulong kina Cone, Guiao at iba pang league coaches na bukas sa komento at dagdag na suhestyon.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with