NBA teams nagdatingan na sa Disney resort

Ang ilan sa miyembro ng Orlando team na ­unang dumating sa Disney Resort.

ORLANDO, Fla. – Bilang paghahanda sa 22-team NBA season restart, nagdatingan na ang ilang teams sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Walt Disney sa pangunguna  ng Orlando Magic.

Tulad ng Orlando, nag-post din ng mga picture at videos ang iba pang koponang dumating sa Diney Resort tulad ng Utah Jazz, Denver Nuggets at Wa-shington Wizards at inaasahang darating din nitong Martes ang  Phoenix Suns at Brooklyn Nets.  Walong teams pa ang darating nitong Miyerkules at ang hu-ling walong koponan ay darating nitong Huwebes.

Ayon sa mga opisyal, isang player ng Magic ang nagpositibo sa COVID-19 ngunit hindi inihayag ang pangalan nito.

Bawat team ay may 35-katao at inaasahang mala-lock-in sila sa Disney Resort ng mahigit limang  linggo kung saan araw araw ay may COVID testing, mahigpit na pagpapatupad ng social distancing at iba pang mga regulasyong masusing paiiralin para sa seguridad ng lahat.

Pagdating sa Disney, direstso lahat sa security check na susundan ng briefing ukol sa testing at iba pang bagay bago sumailalim sa coronavirus at antibodies test. Tatanggap din lahat ng welcome kit na may thermometer, pulse oximeter at mga optional items na physical distancing sensor at Oura Ring na sleep tracker bukod pa sa wipes para idisinfect ang kanilang mga bagahe.

Magsisimula ang scrimmages sa July 22 bago ang regular season games sa July 30.

Show comments