Red wine ni James Yap

MANILA, Philippines — Personalized wine ang ibinida ni Rain or Shine Elasto Painters shooting guard James Yap sa kanyang mga fans at followers sa social media.

Habang ine-enjoy ni Big Game James ang kanyang bakasyon sa Italy kasama ang pamilya, proud niyang pinasilip ang mga bote ng wine kung saan kitang-kita ang kanyang pangalan.

“A big wine for a big game player! Thank you for the amazing label! @igreppibolgheri @marcofilippeschi” caption ng seven-time PBA champion.

May halos 16k views na ang 25-seconds video na ito at napa-comment naman ang mga manlalaro gaya nina Chris Tiu at Jeff Chan.

Show comments