Baldwin pa rin ang coach ng Ateneo
Tab Baldwin
Baldwin pa rin ang coach ng Ateneo
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - June 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mananatiling coach ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP si Tab Baldwin at inaasahang siya pa rin ang prog-ram director ng Samahang Basketball ng Pilipinas.

Ito ay matapos maglabasan ang balita kahapon na sinibak ang dating Gilas Pilipinas mentor sa Talk N Text bilang assistant coach at consultant na ang dahilan ay iniuugnay sa kanyang mga naging komento ukol sa PBA na pahayag ukol sa PBA na naging malaking issue.

Bago pa man mag-lockdown dahil sa COVID-19 pandemic at bago pa man nalagay sa kontrobersiya si Baldwin ay tinanggal na ito ng Talk ‘N Text bilang assistant coach at consultant ng MVP franchise team, ayon kay Ka-tropa team manager Gabby Cui.

Nalagay sa kontrobersiya si Baldwin dahil sa kanyang  mga pahayag sa interview sa podcast na Coaches Unfiltered ng Tiebreaker Vods ukol sa single-import format ng PBA, sa “tactical immaturity” ng  mga coaches at ang pabor ng liga sa mga dumadayong imports dito ayon sa “rules latitude” -- mga komentong kinunsidera ng PBA na “detrimental to the league” para patawan siya ng P75,000 na multa at three-game suspension sakaling makabalik na ang natenggang 45th Season kahit humingi na ito ng paumanhin kay  Commissioner Willie Marcial  at nagpaliwanag na “taken out of context” lamang ang kanyang mga komento.

Si Baldwin ang utak sa UAAP Season 82 sweep ng Ateneo na inihatid niya sa tatlong titulo. Siya pa rin ang mangangasiwa sa preparasyon ng Gilas Pilipinas para sa 2023 FIBA World Cup.

 

TAB BALDWIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with