Kiefer todo suporta kay Alyssa Valdez

Kiefer Ravena at Alyssa Valdez

MANILA, Philippines — Full support si NLEX Road Warriors point guard Kiefer Ravena sa kanyang girlfriend na si volleyball superstar Alyssa Valdez sa bagong sports na kinahihiligan nito ngayon.

Nagpa-practice nga-yon na mag-tennis ang three-time Premier Volleyball League (PVL) MVP sa garahe sa loob ng kanilang bahay.

Sa Instagram story ng Gilas Pilipinas mainstay, makikita na focus si Valdez sa pagsasanay sa paghampas ng tennis ball sa isang pader at pabalik sa kanya.

Nagawa pang magbiro ng five-time SEA Games gold medalist nang bigyan niya nang bagong pangalan si Valdez na ‘Alyssa Osaka Japan’-- hango sa sikat na tennis player na si Naomi Osaka.

Bukod sa kanilang sports, nais pang palawagin ng dalawa ang kanilang sports know-ledge na una nilang ginawa nang ma-hook silang dalawa sa golf noong nagdaang taon.

 

Show comments