Tuloy ang konstruksiyon ng Candon Sports Complex

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-usbong ng dekalibreng sports faci-lities sa bansa sa nalalapit na pagtatapos ng Candon City Sports Complex and Convention Center sa Ilocos Sur.

Matapos matengga ang operasyon bunsod ng COVID-19 pandemic, tuloy ang konstruksiyon ng 5,000-capacity arena bilang pinakabagong sports venue sa bansa.

Kasunod ito ng pagpapatayo ng world-class at Olympic standard na New Clark City sports complex sa Capas, Tarlac at ang pagpapaayos ng Philsports Complex sa Pasig at Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila – na ginamit noong 2019 Southeast Asian Games dito sa bansa.

Sinimulan noong 2017, matatapos ang kons-truksyon nito sa 2022 ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at kay Candon city mayor Ericson Singson.

Nasa By-pass road ng Barangay Bagani Campo, ang Candon City Sports Complex and Convention Center na magiging unang major sports arena sa Ilocos Sur na posibleng maging tahanan na ng future PBA at volleyball games gayundin ng events at concerts.

Bagama’t nagsilbi ng host ang probinsya ng ilang multi-sporting events, hindi pa nakapagdaos doon ng PBA games.

Show comments