Gretchen Ho namigay ng bike

MANILA, Philippines — Bilang tugon sa hirap sa pampublikong sasakyan sa Metro Manila, namahagi ng bagong bisikleta si Gretchen Ho sa dalawang no work no pay employees.

Sa Instagram, proud na ibinahagi ng dating Ateneo middle blocker ang kwento ng dalawang manggagawa na hirap na makapunta sa pinagtatrabahuhan dahil walang mass transport.

Sina Nanay Claire - isang lady guard - at si Rufino na isang essential worker dahil sa pagtatrabaho niya bilang merchandiser sa isang supermarket - ang binahagian ng #Happinews ng dating player.

“I know there’s been so much stress over bike lanes and transport issues but here’s some #Happinews for today’s #WorldBicycleDay. Gave away bikes to two no work no pay employees,” caption ni Ho.

Show comments