Terrence Romeo Moves Part 2 kinasasabikan

MANILA, Philippines — Matapos ang success ng unang online challenge ni San Miguel Beermen shooting guard Terrence Romeo na ‘Terrence Romeo Moves’, muli itong nagbabalik.

Pumatok sa netizens ang pakulong ito ng dating Gilas Pilipinas stalwart kaya’t sa pagbabalik nito ay mas marami na ang puwedeng manalo.

Mula sa 60 ay tumalon sa 100 indibidwal ang may tsansang manalo sa challenge na ito na ang pangunahing goal ay kopyahin ang maangas na basketball moves ni TR7.

Sa mga nais sumali ay maaaring ipadala ang kanilang entries via IG story at huwag kalimutang i-tag ang handle ni Romeo (@tbvrome07) at sa Hunyo 7 ang deadline nito.

Papangalanan sa Lunes, Hunyo 8 ang lahat ng mga mananalo at makakatanggap ang mga ito ng grocery pack, Peak merchandise at mapi-feature sa kanyang IG at YT page.

Show comments