Patok ang pakulo ni Terrence Romeo

MANILA, Philippines — Ini-reveal na ni San Miguel Beermen point guard Terrence Romeo ang 60 na nanalo sa kanyang online pakulo na ‘TR Moves Challenge’ sa Instagram.

Napakadali lang ng challenge na ito, kokopyahin lang ng fans ang iba’t ibang moves na ipinakita ni Romeo at puwede nang manalo.

Umabot ng 2,000 entries ang natanggap ng dating Gilas Pilipinas stalwart sa pakulong ito pero 60 lang ang masuwerte na napili at nakagawa ng exact moves ni Romeo.

Ang mga nagwagi sa online contest na ito ay tatanggap ng Peak merchandise, grocery bag at Arto Cee Vitamin C at may chance pa rin ang iba dahil sa magkakaroon ito ng part 2.

Apat na araw tumagal ang pa-contest na ito ni Romeo na nagsimula noong May 27.

Umabot sa 93,000 ang views ang mga ipinakitang moves ni Romeo.

Show comments