Kiyomi Watanabe
Pinoy bets sa Olympics madadagdagan ng Judoka?
Chris Co (Pang-masa) - March 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa pang Pinoy athlete ang posibleng madagdag sa pambansang de­legasyon ng Pilipinas sa 2020 Olympic Games na naka-schedule sa Tokyo, Japan sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Naghihintay na lamang ang Philippine Judo Federation ng o­pisyal na deklarasyon mula sa International Judo Federation (IJF) para panga­lanan si four-time Southeast Asian Games judoka Kiyomi Watanabe sa women’s -63 kg. class.

Ayon kay PJF president Dave Carter, nagpasya ang international federation na paiksiin ang cut off ng qualification system para sa Tok­yo Olympics.

Pipiliin ang mga qua­lifiers base sa ranking nito matapos ang Düsseldorf Grand Slam na ginanap noong Pebrero sa Germany.

At base sa bagong sistema, awtomatikong makakapasok sa Tokyo Olympics ang Filipino-Japanese judoka sa pamamagitan ng continental quota.

Sa opisyal na website ng IJF, pasok na si Watanabe via continental quota dahil sa kanyang No. 36  ranking tangan ang 1,254 puntos.

Kung mabibigyan ng direktang qualification slot si Watanabe base sa final ranking matapos i-apply ang bagong sistema, malakas din ang tsansa na magkaroon pa ng ibang Pinoy judoka na makapasok sa Olympics via continental quota.

Isa na rito si 2019 Southeast Asian Games bronze medalist Filipino-Japanese Keisei Nakano na kasalukuyang No. 78 sa world ranking bitbit ang 427 puntos sa men’s -73 division.

Nagtamo ng injury ang 2018 Asian Games silver medalist na si Watanabe sa laban nito sa Japan noong Pebrero at kasalukuyang nasa Tok­yo upang magpagaling para sa Olympics.

Kung makukumpirma si Watanabe, ito ang ikalimang atletang Pinoy na masisilayan sa aksiyon sa Olympics.

Makakasama nito sina world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics, SEA Games pole vault record holder Ernest John Obiena ng athletics at sina three-time SEA Games champion Eumir Felix Marcial at SEA Games silver medalist Irish Magno ng boxing.

Hinihintay na lang din ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas ang kumpirmasyon ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz para ma­ging opisyal na qualifier sa Tokyo Games.

 

KIYOMI WATANABE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with