Classics PBA Games ipapalabas sa Cignal TV at TV5
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - March 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mararamdaman pa rin ng fans ang PBA action kahit pansamantalang suspendido ang torneo matapos ianunsyo ng Cignal TV at TV5 ang pagpapalabas ng mga PBA “Classics” sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19.

Katulad ng PBA schedule tuwing Miyerkules, Biyernes, Sabado at Linggo simula alas-4:30 p.m. ay ipapalabas ng mga naturang networks ang classic games ng PBA noong 2018 at 2019 season.

Sa PBA Rush on Cignal naman ay ipapakita ang mga legen­dary games kahit pa noong 1980s upang maibsan ang kalungkutan ng PBA fans habang wala pa ang 2020 Philippine Cup action.

“We are in full support of the PBA’s decision to suspend the games for public health and safety reasons,” ani TV5 at Cignal president Robert Galang. “As the official broadcaster of the league, we are likewise committed to our viewers and subscribers to provide the best games that our library has to offer.”

Kasunod ito ng desis­yon ng PBA na ilagay muna ang Philippine Cup sa indefinite suspension upang makatulong sa pag­laban kontra sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Babalik ang live telecast ng TV5 at Cignal kasama ang One Sports at Rush sa oras na magbalik na rin ang PBA.

Kahapon ay  isinailalim ang Pilipinas sa State of Public of Public Health Emergency habang nasa “community quarantine” sa loob ng 30 araw ang buong Metro Manila.

Tatagal ang quarantine hanggang Abril 14, kung kailan inaasahang gaganda na rin ang sitwasyon sa bansa tungo sa pag-resume na rin ng mga sporting events kasama PBA.

Ilan pa sa kanseladong events ng PBA ay ang D-League Aspirants’ Cup gayundin ang magbubukas pa lang na PBA 3x3.  

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with