^
Lady Eagles dinagit ang Lady Maroons
Inatake ni Faith Nisperos ng Ateneo ang depensa ni Lorie Bernardo ng UP.
PM photo ni Jun Mendoza

Lady Eagles dinagit ang Lady Maroons

Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - March 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa magarbong binuksan ng Ateneo de Manila University Lady Eagles at National University Lady Bulldogs ang kani-kanilang kampanya sa UAAP Season 82 women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Winalis ng nagdedepensang Lady Eagles ang Uni­versity of the Philippines Lady Maroons, 25-13, 25-17, 25-23 at tinakasan ng Lady Bulldogs ang 2019 sea­son’s runner-up na University Santo Tomas Gol­den Tigresses, 22-25, 25-23, 20-25, 25-20, 15-13.

Binanderahan ni graduating hitter Kat Tolentino ang koponan matapos kumana ng 15 points mula sa 12 attacks at 3 kill blocks, habang may 10 markers si rookie Faith Nisperos sa kanyang senior’s debut.

“We’re so grateful and finally we had an opportuni­ty to play again in the UAAP and thankful also the Lord gave us this first win,” ni coach Oliver Almadro

Nasa match point ang Lady Eagles pero nagawa pa ring makadikit ang Lady Maroons sa 23-24.

Pinamunuan naman ni 6-foot-2 Congolese roo­kie Margot Mutshima ang opensa ng Lady Bulldogs sa kanyang game-high na 23 points.

Sa men’s division, pinadapa naman ng nagdedepensang NU Bulldogs ang UST Tigers, 27-25, 23-25, 25-19, 27-25, samantalang winalis ng UP Fighting Maroons ang Ate­neo Blue Eagles, 25-21, 25-20, 25-22.

LADY EAGLES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with