Calvin Abueva
‘The Beast’ mananatiling suspendido
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasalukuyan pang na­sa kasagsagan ng pag-u­usap sina PBA Commis­sioner Willie Marcial at Phoenix star forward Calvin Abueva bago matanggal ang kanyang indefinite suspension.

May mga natitira pang requirements na da­pat gampanan ang tinaguriang “The Beast”.

Ito ang sinabi ni Marcial sa panayam matapos ang pre-season confe­rence ng 45th PBA Season kamakalawa sa Conrad Hotel.

Hangga’t hindi pa na­pupunan ni Abueva ang mga naturang responsibi­lidad sa labas ng court ay mananatili siyang sus­­­pendido para sa nalalapit na 2020 PBA Philippine Cup.

Hindi na idinetalye ng PBA executive kung ano ang mga naturang requirements.

Ayon kay Marcial, sa­kaling makumpleto na ni Abueva ang kanyang mga gampanin ay iaak­yat niya na ang kanyang panukala sa PBA Board of Governors para sa po­sibleng pagbabalik ni Abueva.

Matatandaang noong Hunyo sa 2019 PBA Com­missioner’s Cup ay pi­natawan ng liga ng in­de­finite suspension si Abueva bukod pa ang P70, 000 multa.

Dahil ito sa magkaka­sunod na insidente na ang pinakamatindi ay ang flagrant two infraction bunsod ng clothesline niya kay TNT import Terrence Jones.

Nauna nang naghain ng public apology si Abueva noong nakaraang taon at aktibo nga­yon sa mga off-court acti­vi­ties ka­tulad ng training camps para sa kabataan sa Pampanga.

Pinayagan ng PBA na makapag-ensayo kasama ang Phoenix si Abueva noong Setyembre suba­lit hindi siya naglaro sa pre-season ng koponan laban sa NLEX, San Miguel at Alaska.

Sa Marso 8 sa Smart Araneta Coliseum mag­bu­bukas ang Philippine Cup tampok ang rematch ng San Miguel at Magnolia.

Ang Phoenix ay sasabak sa Marso 11 kontra sa TNT Katropa sa Big Dome.

CALVIN ABUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with