Itinaas ni Stage Two winner Ryan Tugawin ng Tarlac Central Luzon Team ang kanyang bisikleta.
PM photo ni Ernie Peñaredondo
Tugawin inangkin ang Stage Two ng LBC Ronda
Nilda Moreno (Pang-masa) - February 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mula sa likuran ay rumemate si Ryan Tugawin ng Tarlac Central Luzon Team upang makuha ang panalo sa Stage Two ng 2020 LBC Ronda Pilipinas kahapon na nagsimula sa Sorsogon at nagtapos sa harapan ng City Hall ng Naga.

Nakipagkaskasan ang 30-anyos na si Tugawin sa hu­ling 30 metro ng karera at inungusan niya ang mahigpit na karibal na sina Ismael Grospe Jr. ng Go For Gold at George Oconer ng Standard Insurance-Navy.

Dahil isang malaking grupo ng mga siklista ang tu­mawid sa meta ay pare-pareho ang kanilang naging oras mula first hanggang 20th place.

Inirehistro ng tubong Solano, Nueva Ecija na si Tu­gawin ang tatlong oras, 50 minuto at 37 segundo sa 154.5 km race kasunod sina Grospe, Oconer at Dominic Perez ng Bicycology Shop-Army.

Ang ibang siklistang dumating sa top 10 ay sina Ron­nilan Quita, (G4G), Arjay Kaul ng Bike Xtreme, Jerry Aquino, Jr. ng Scratch It, Anthony Del Rosario, (Tarlac), Ron Francoise Tuazon ng South Luzon Batangas at Rustom Lim ng 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines.

“Nag-abang lamang ako sa likod, tapos nakalusot ako at noong makita ko na umatake si George (Oco­ner) humabol ako,” pahayag ni Tugawin.

Para kay Tugawin, nais niyang makilala sa cycling kaya mahalaga ang kanyang panalo.

“Gusto kong makilala ako, kaya mahalaga itong panalo ko,” dagdag ni Tugawin na nagsasaka ng palay kapag walang ensayo.

Subalit hindi sapat ang naitalang oras ni Tugawin para maagaw ang Red Jersey kay Stage One winner Mark Julius Bordeos ng Army.

Nanatiling nasa No. 1 ng Individual Classification si Bordeos sa nalikom niyang anim na oras, 56 minuto at 34 segundo,.

Nasa pangalawa si Jerry Aquino, (6:56:37) at nasa third at fourth place naman sina Oconer at Rustom Lim ng 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines, ayon sa pagkakasunod.

Parehong naitala nina Oconer at Lim ang anim na oras, 56 minuto at 40 segundo sa event na suportado ng LBC at inisponsoran ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation kasama ang Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Stan­dard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Ma­nagement Inc., LBC Foundation at PhilCycling.

Ang mga kumumpleto sa Top 10 sa GIC ay sina 5th Mark John Galedo,  6th Aidan James Mendoza, 7th Marcelo Felipe at 8th Mervin Corpuz ng 7Eleven, 9th Alvin Benosa ng Celeste Cycles Philippines-Dev. Pro team at 10th Jester Neil Mendoza ng Bicycology Shop-Army.

RYAN TUGAWIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with