^

PM Sports

Brownlee sasalang na sa SMB-Alab Pilipinas

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Brownlee sasalang na sa SMB-Alab Pilipinas
Justin Brownlee

MANILA, Philippines — Matutuloy na sa wakas ang nadiskaril na pagbabalik ni Justin Brownlee para sa Alab Pilipinas sa pakikipagtuos nila kontra sa Saigon Heat sa 2019-2020 ABL ngayon sa Sta. Rosa Multi-purpose Complex sa Laguna.

Magaganap ang aksyon sa alas-7:30 ng gabi kung saan aasa ang Philippine squad kay Brownlee upang makabalik agad sa winning column ng 10-team regional league.

Nakatakda sanang maglaro si Brownlee noong Miyerkules su-balit na-delay ang kanyang fight pa-Malaysia na dahilan upang mabigo ang koponan kontra sa Westports Dragons.

Sumandal lang sa da-lawang imports ang Phi-lippine club sa katauhan nina Nick King at Sam Deguara tungo sa masaklap na 80-92 kabiguan.

Ngayong sigurado na ang paglalaro ng beteranong import, tiwala ang San Miguel-backed franchise na makakabawi agad sila upang mapatatag ang kapit sa segunda puwesto.

Nakasabit ngayon sa no. 2 ang Alab hawak ang 9-6 baraha. Nasa likod lang nila ang Formosa Dreamers na may 8-6 kartada habang umaalagwa na sa harapan ang Mono Vampire tangan ang 12-4 marka.

Inaasahan ng Alab ang bangis ni Brownlee gaya ng kanyang pagpapasiklab sa resident team na Ginebra sa katatapos lang na 2019 PBA Governors’ Cup.

Sa naturang torneo ay nasungkit ng 31-anyos na import ang kanyang ikaapat na PBA title bago magparamdam na nais niya ulit maglaro sa Alab.

Kasama si Renaldo Balkman ay nadala ni Brownlee sa ABL championship ang Alab noong 2018.

Sa tulong nina Deguara at King gayundin ng mga locals na sina Jason Brickman, Jordan Heading, Jeremiah Gray, Brandon Rosser at Lawrence Domingo ay tangka ni Brownlee na maulit iyon ngayon matapos mabigong tulungan ang koponan na madepensahan ang titulo noong nakaraang taon.

Hawak ang 3-10 baraha, kulelat ang makakaharap ng Alab na Saigon na sasandal sa mahabang pahinga matapos makansela ang laban kontra sa Hong Kong at Macau bunsod ng COVID-19.

vuukle comment

JUSTIN BROWNLEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with