Gilas tuloy ang laban sa Indonesia
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - February 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy ang laban ng Gilas Pilipinas at Indonesia para sa unang window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers ngayong Linggo sa Jakarta, ayon sa utos ng International Basketball Federation (FIBA).

Inihayag ito ng world basketball governing body sa liham na ipina-dala ni Executive Director for Asia Hagop Khajirian sa Indonesian Basketball Association (IBA) dahil wala aniyang sapat na dahilan upang kanselahin ang naturang laro.

Nauna nang lumutang ang posibilidad na ma-postpone ang naturang laban maging ang game nila kontra sa South Korea sa Pebrero 20 ayon sa request ng IBA matapos sabihan ng Indonesian Ministry of Youth and Sports na ikunsidera ang cancelation dahil nga sa coronavirus diseas – 2019 (COVID-19).

Subalit ayon sa FIBA, base na rin sa abiso ng Indonesian Ministry of Health na may partikular na travel bans sa mainland China lamang at hindi patungo at mula sa South Korea at Pilipinas, larga pa rin ang laro lalo na’t wala namang kaso ng COVID-19 sa Indonesia.

Wala ring utos aniya ng gobyerno na ipagbawal ang mass gatherings hindi katulad ng ibang apektado ng COVID-19.

“For the above reasons, FIBA has determined that there exist no exceptional circums-tances warranting the postponement of the Games,” anang FIBA na nilinaw ang obligasyon na dapat gampanan ng IBA bilang miyembro ng pederasyon.

Nauna nang nakansela ang una sanang laban ng Gilas kontra sa Thailand ngayong Pebrero 20 sa Smart-Araneta Coliseum gayundin ang iba pang games sa pagitan ng Japan at China sa Pebrero 21 gayundin ng China at Malaysia sa Pebrero 24.

Dahil dito, puspusan na ang paghahanda ng Nationals sa pangunguna ni interim coach Mark Dickel at program director Tab Baldwin.

Nakatakda nilang putulin sa 15-man team na lamang ang 24-man training pool upang maitalaga na ang kanilang magiging plano kontra sa Indonesia.

Nauna nang tinalo ng Gilas ang Indonesia, 97-70, sa semifinals ng 2019 SEA Games noong nakaraang Disyembre dito sa bansa.

Magko-coach sa Indonesia si dating Gilas mentor Rajko Toroman.

2021 FIBA ASIA CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with