AFP vs DENR para sa korona ng UNTV Cup

MANILA, Philippines — Kapwa winalis ng Armed Forces of the Phi­lippines at Department of Environment and Natural Resources ang kanilang mga semifinals series para itakda ang pagtutuos nila sa korona ng 8th UNTV Cup.

Pinatumba ng top-seeded at nagdedepensang AFP Cavaliers ang Ju­diciary Magis, 72-67, sa Game Two para tapusin ang kanilang best-of-three semis series.

Umiskor naman si Ar­chie Gamboa ng 12 points para tulungan ang No. 2 DENR Warriors sa 82-75 paggiba sa National Housing Authori­ty Builders sa sarili nilang se­mifinals duel.

Hangad ng Cavaliers na maging unang back-to-back champions sa tor­neo para sa mga public servants na inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon

Sisimulan ng AFP at DENR ang kanilang best-of-three finals series sa Marso 1.

Ang mapipiling cha­rity ng champion team ay tatanggap ng tax-free P4 milyon.

Show comments