Lady red spikers kinumpleto ang semis cast
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - February 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakopo ng San Beda Lady Red Spikers ang huling upuan sa semifinals ng NCAA season 95 women’s volleyball matapos walisin ang Mapua University Lady Cardinals, 25-19, 25-17, 25-19 kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagsanib-puwersa uli sina Nieza Viray at Cesca Racraquin para banderahan ang Lady Red Spikers sa ikaanim na panalo sa walong laro. May 17 points, mula sa 12 attacks, 3 aces at 2 kill blocks at 12 digs si Viray habang nag-ambag naman si Racraquin ng 12 markers at 3 receptions.

Sinandalan din ng SBU ang middle blockers na sina Kimberly Manzano at Trisha Paras na nag-rehistro ng pinagsamang 19 puntos para tulungan ang tropa na tapusin ang laro sa loob ng isang oras at isang minuto.

Naasahan din ng San Beda ang magandang ball distribution ng playmaker nilang si Robyn Matias matapos magtala ng 14 excellent sets kumpara sa 1 excellent set ng Lady Cardinals.

Muling makakasama ng Lady Red Spikers sa semifinals ng torneo ang College of Saint Benilde (7-0), Arellano University (6-1) at University of Perpetual Help (6-1) gaya noong nakaraang season.

Samantala, nadagit naman ng San Sebastian Lady Stags ang ikalawang panalo sa liga matapos pabagsakin sa apat na sets ang Lyceum Lady Pirates, 25-20, 25-18, 20-25, 25-16.

Nagtapos ng tig-14 na puntos sina Reyann Canete at Shanai Requierme para pangunahan ang tropa habang tig-12 markers naman sina Kamille Tan at Jamille Carreon.

Huling makakaharap ng San Beda sa preliminary round ang host school na Lyceum Lady Pirates sa darating na Biyernes at pipilitin nilang mapadapa ito para ilista ang ikapitong panalo sa torneo.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with