_pang-masa
^

PM Sports

Davao, Bacoor ‘di natinag

Pang-masa

BiÑan, Laguna, Philippines — Napanatili ng Davao Occidental at Bacoor ang kanilang 1-2 spots sa South division sa papalapit na pagtatapos ng eliminasyon ng Chooks-to-Go MPBL Lakan Season noong Huwebes ng gabi dito sa Alonte Sports Arena.

Nilapa ng Davao Occidental Tigers ang Biñan City Luxxe White Krah Heroes, 72-66 para hablutin ang No. 1 berth at iwanan ng Bacoor Strikers na umiskor naman ng 79-68 panalo sa Iloilo United Royals.

Nakahugot ang Tigers ng 15 points mula kay June Mocon para talunin ang Heroes habang may 12 markers si Chester Saldua para sa kanilang 25-4 record.

Umiskor naman si Mark Pangilinan ng 16 points at may 10 points at 10 rebounds si Michael Mabulac para sa panalo ng Bacoor (24-6) kontra sa Iloilo.

Samantala, sinandigan ng Makati Super Crunch si Jeckster Apinan para takasan ang General Santos Warriors sa overtime, 91-90.

Humugot si Apinan ng 10 sa 12 points ng Makati sa extension, tampok dito ang buzzer-beating lay-up para talunin ang GenSan ni star guard Mikey Williams.

Tinapos ng Super Crunch (22-8) ang kanilang two-game skid at diniskaril ang pagpasok ng Warriors (16-12) sa playoffs sa South.

DAVAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with