Basilan, Zamboanga may laban sa Top 4
(Pang-masa) - February 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ginulat ng Zamboanga ang San Juan at pinatumba ng Basilan ang Pasay para sa kanilang tsansa sa top four sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season elimination round kamakalawa ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Ginamit ng Zamboanga Family’s Brand Sardines ang kanilang matibay na depensa para talunin ang league leader San Juan Knights, 69-64 habang opensa naman ang naging susi ng Basilan Steel sa 74-59 paggupo sa Pasay Voyagers.

Kinuha ng Zamboanguenos ang 51-39 abante sa third quarter para malampasan ang pagbangon ng Knights sa fourth period at itaas ang kanilang record sa 18-11 kasosyo sa fourth place ang Iloilo United Royals sa South division ng 31-team league.

Nasa itaas ng Zamboanga ang Jumbo Plastics-supported Basilan, may 19-10 marka at diniskaril ang playoffs drive ng Pasay.

May 16-13 baraha, humahabol sa Voyagers ang Caloocan Supremos (15-3) sa karera para sa pang-walo at huling playoff spot sa North division

Samantala, pinaluhod naman ng Pasig-Sta. Lucia ang Valenzuela Cargo Backload Solutions, 90-72 para makopo ang seventh spot sa North.

Taglay ang 18-11 kartadsa, iniwanan ng Realtors ang Voyagers at Supremos.13 points.

ZAMBOANGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with