Letran sumosyo sa No. 4
Chris Co (Pang-masa) - February 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinailangan ng Colegio de San Juan de Letran ng malakas na puwersa para pigilan ang Lyceum of the Philippines University, 26-28, 27-25, 16-25, 25-19, 16-14 upang sumosyo sa No. 4 spot kahapon sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Bumanat si Chamberlaine Cunada ng career-high 28 points galing sa 24 attacks, tatlong blocks at isang ace upang tulu-ngan ang Lady Knights na masikwat ang ikatlong panalo sa limang pagsalang.

Sumalo ang Letran sa ikaapat na puwesto sa San Beda University na may katulad na 3-2 baraha.

Nasa unahan ang College of Saint Benilde (6-0) kabuntot ang University of Perpetual Help System Dalta (5-1) at reigning champion Arellano University (5-1).

“Sobrang laking pa-nalo ito para sa amin dahil nagkaroon kami ng liwanag dun sa No. 4. Kahit sino naman asam na makadikit sa Top 3 teams ngayon kaya every game talaga is important,” ani Letran mentor Michael Inoferio.

Nakatuwang ni Cunada sa opensa si Ju-lienne Castro na umiskor ng 15 attacks at dalawang aces habang nagbigay ng kontribusyon sina Anne Monteagudo at Kath Dela Cruz na may pinagsamang 17 hits.

May 17 excellent sets naman si Charm Simborio.

Sa katunayan, lamang na lamang ang Lyceum sa lahat ng scoring departments. May 60-57 edge ito sa attacks, 9-7 bentahe sa blocks at 13-9 abante sa aces.

Nasayang ang double-double performance nina Alexandra Rafael at Monica Jane Sevilla na parehong may 17 markers at 14 digs para sa Lady Pirates na bumagsak sa 2-4 marka.

Sa ikalawang laro, sumampa sa win column ang San Sebastian College-Recoletos matapos igupo ang Mapua University sa pamamagitan ng mabilis na 25-18, 25-20, 25-20 desisyon.

Minanduhan ni Jamille Carreon ang atake ng Lady Stags sa kanyang 15 hits.

 

LETRAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with