Laro ng Ateneo at FEU nauwi sa scoreless draw

MANILA, Philippines — Sumandal ang Ateneo High School kay goalkee­per Artuz Cezar para idis­karil ang hangad ng Far Eastern University-Diliman na first round sweep sa UAAP Season 82 high school boys’ football tournament.

Nauwi sa goalless draw ang nasabing laro ng Ateneo at FEU sa Ri­zal Memorial Stadium.

Nanatili ang Blue Eaglets sa second place bit­bit ang kanilang 7.0 points para makalapit sa league-leading Baby Ta­maraws na may 10 points mula sa tatlong panalo at isang draw.

Matapos ang mintis na wide open shot ni Eric Laurel mula sa pasa ni Ace Amita ay nagpilit ang defending nine-time champions na maagaw ang panalo.

Ngunit napigilan naman ni Cezar ng Ateneo ang dalawang tangka ng FEU sa additional time pa­ra sa 0-0 pagkakatabla sa final whistle.

Show comments