Joshua Pacio
Joshua Pacio gustong makilala sa buong mundo
(Pang-masa) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang pagdomina sa ONE strawweight division ang lalo pang magpapakilala kay Filipino phenom Joshua “The Passion” Pacio sa buong mundo.

“They call me a young phenom for a reason,” wika ni Pacio. “I need to prove that.”

Nakatakdang itaya ni Pacio, miyembro ng Team Lakay stable ng Baguio City, ang kanyang strawweight crown laban kay dating titleholder at Brazilian submission ace Alex “Little Rock” Silva sa main event ng ONE: Fire & Fury sa Enero 31 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ilan sa mga bigating pangalan na tinalo ng 24-anyos na si Pacio sa strawweight division ay sina world titlists Dejdamrong Sor Amnuaysirichoke, Yoshitaka Naito at Yosuke Saruta at contenders Rene Catalan at Pongsiri Mitsatit.

Noong nakaranag taon ay naisuko ni Pacio ang kanyang korona kasunod ang pagbawi at pagdepensa niya rito.

Natalo si Pacio kay Saruta via split decision noong Enero ng 2019 na nagtanggal sa kanyang suot na 56.7-kilogram belt.

Matapos ang tatlong buwan ay nabawi ito ni Pacio nang patumbahin si Saruta mula sa isang head kick sa fourth round sa kanilang rematch.

Bago matapos ang 2019 ay matagumpay na naidepensa ni Pacio ang kanyang titulo mula sa second-round arm triangle submission victory kontra kay Catalan.

Naniniwala naman si Pacio na muli niyang maipagtatanggol ang bitbit na ONE Championship crown laban kay Silva.

Ang Brazilian grappler ng Evolve MMA ay nagmula sa back-to-back submission wins laban kina Peng Xue Wen at Stefer Rahardian.

Si Silva ay isang third-degree Brazilian Jiu-Jitsu black belt at 13 taon ang tanda kay Pacio.

Ngunit hindi pa natatalo si Pacio sa anim na laban niya sa 15,000-seater stadium na MOA Arena.

Bukod kay Pacio, lalaban din sa event sina Team Lakay teammates Eduard “Landslide” Folayang, Danny “The King” Kingad, Lito “Thunder Kid” Adiwang at Gina “Conviction” Iniong.

Haharapin ni Folayang, ang dating two-time ONE Lightweight World Champion, si Pieter Buist ng The Netherlands sa co-main event habang makakatapat ng ONE Flyweight World Grand Prix Championship Finalist na si Kingad si Xie Wei ng China.

Lalabanan naman ni Adiwang si Thai veteran Pongsiri Mitsatit at sasagupain ni Iniong, umiskor ng gold medal noong 2019 Southeast Asian Games, si Asha Roka ng India.

ONE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with