Phl Rowers target ang 2020 Olympics
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang kanilang magandang finish sa nakaraang Southeast Asian (SEA) Games, sasagwanin na ng Phi-lippine rowing national team ang kampanya patungo sa inaasam na pagtungtong sa entablado ng 2020 Summer Olympics sa Tokyo ngayong Hulyo.

Sasabak ang pambansang koponan sa iisang qualifying event ng rowing nga-yong Abril 24 sa South Korea na itatanghal ng World Rowing Federation (FISA).

Umaasa ang bagong halal na pa-ngulo ng Philippine Rowing Association (PRA) na si Patrick Gregorio na sa panahon niya ay muling makapagdala ng kinatawan ang bansa sa rowing sa darating na Tokyo Olympics.

Noong 2000 Sydney Olympics hu-ling lumaban ang Pinas sa katauhan ni Benjamin Tolentino, na makailang beses ding naibulsa ang gintong medalya sa 2005 at 2007 SEA Games.

“Siyempre kung papalarin baka naman makakuha pa tayo ng qualifier para sa Tokyo (Olympics) sa April sa Korea tapos ine-explain sa akin ng mga coaches na we are number four in Asia now,” sabi ni Gregorio sa pagdalo nito sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa The Amelie Hotel - Manila. “And nung pina-des-cribe kung ilan ‘yung magqua-qualify for Asia, tatlo raw.”

Kumpiyansa rin ang dating Philippine Olympic Committee (POC) secretary-general at Philippine Basketball Association (PBA) chairman, na kaka-yaning makalusot sa qualifiers ng bansa kung tuluy-tuloy ang training at suporta ng pamahalaan sa Pinoy rowers.

Ayon naman sa isa mga coach ng tropa na si Ed Maerina, nagsimula na silang magsanay noong Enero 7 sa La Mesa Dam sa Quezon City bilang paghahanda sa qualifying tournament at ipinagpapatuloy lang nila ang program na inilatag sa kanila ng foreign coach mula sa Uzbekistan.

“Since January 7 nag-start na kami ng training kasi ‘yung foreign coach namin umuwi sa kanila sa Uzbekistan, iniwan sa amin ‘yung programa at gusto niyang dagdagan kasi ‘yung qualifier mas mataas na level,” sabi ni Maerina, na isa rin Olympian na sumalang noong 1988 Seoul Games.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with