NHA tangka ang semifinals
(Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pipilitin ng National Housing Authority (NHA) na masikwat ang ikatlong semifinals berth sa kanilang pagharap sa Philippine International Trading Corporation sa quarterfinal round ng 8th UNTV Cup sa Paco Arena sa Manila.

Nakatakda ang upakan ng NHA at PITC ngayong alas-4:30 sa Round of 8 ng torneong nag-aalok ng P4 milyon para sa mapipiling charity ng champion team.

Pinaganda ng Builders ni coach Benneth Palad ang kanilang record sa 7-3 matapos kunin ang 67-59 panalo laban sa Judiciary Magis habang may 6-4 marka ang PITC Global Traders mula sa 74-61 paggiba sa Department of Agriculture Food Masters.

Magtutuos naman ang Food Masters at Magis sa alas-3 ng hapon sa torneong inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon para sa mga public servants.

Ang top two placers matapos ang quarterfinals ang sasama sa defending champion at No. 1 seed Armed Forces of the Philippines at bagitong Department of Environment and Natural Resources sa semis na itinakda sa isang best-of-three series.

Ang NHA ay pamumunuan nina Antonio Lustestica at Alvin Vitug habang gigiyahan naman ang Global Traders nina Ryan Regalado at Miguel Lopez.

UNTV CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with