^

PM Sports

Pacquiao nararapat na Fighter of the Year--Garcia

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung si world class trainer Robert Garcia, si eight-division world champion Manny Pacquiao ang karapat-dapat sa Fighter of the Decade award kumpara kay Floyd Mayweather Jr.

“I think it’s Pacquiao, but it depends on who you ask. Pacquiao has been active, he is still fighting, and still a world champion. Mayweather only fought like six years in the decade,” ani Garcia sa panayam ng ESnews.

Kabisado ni Garcia ang kalidad ni Pacquiao dahil dalawang beses na nitong nakaengkuwentro ang Pinoy champion.

Si Garcia ang humawak sa training nina Antonio Margarito at Brandon Rios. Iginupo ni Pacquiao si Margarito noong Nobyembre 13, 2010 via unanimous decision habang tinalo rin nito si Rios noong Nobyembre 14, 2013 via unanimous decision din.

Ayon pa kay Garcia, buhay na buhay ang karera ni Pacquiao sa nakalipas na dekada hindi gaya ni Mayweather na nasilayan lamang sa aksiyon ng anim na taon.

Magarbong tinapos ni Pacquiao ang huling taon ng nakalipas na dekada kung saan inilampaso nito sina Adrien Broner noong Enero at Keith Thurman noong Hulyo.

Kasalukuyang hawak ni Pacquiao ang World Boxing Association (WBA) welterweight belt habang matagal-tagal na ring retirado si Mayweather na kumakasa lamang sa ilang non-title exhibition matches.

Dati nang nahawakan ni Pacquiao ang Boxing Writers Association of America (BWAA) Fighter of the Decade noong 2000-2009.

Kandidato na naman si Pacquiao kasama sina Mayweather, Canelo Alvarez, Wladimir Klitschko at Andre Ward para naman sa taong 2010-2019.

Si Pacquiao din ang nag-iisang boksingero sa mundo na naging world champion sa apat na magkakaibang dekada.

Nakatakda itong depensahan ang kanyang WBA crown sa Abril ngunit wala pang linaw kung sino ang makakasagupa nito.

 

vuukle comment

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with