Arocha nagbida sa Arellano
(Pang-masa) - January 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling nagninging si Regine Arocha matapos nitong pangunahan ang Arellano University Lady Chiefs na walisin ang Mapua University Lady Cardinals, 25-13, 25-20, 25-12 sa NCAA season 95 women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagrehistro ang two-time Finals Most Valuable Player (MVP) ng 19 points, mula sa 17 attacks, 1 ace at 1 kill block at 7 excellent receptions para pangunahan ang Lady Chiefs sa ikalawang sunod na panalo para sa solo liderato sa torneo.

Nagparamdam din sa panalong ito sina Carla Donato at Princess Bello na may tig-7 puntos habang nag-ambag ng tig-6 markers ang trio nina Mikaela Juanich, Necole Ebuen at Sarah Verutiao.

Para kay Arellano coach Obet Javier mas maayos ang performance na ipinakita nila ngayon kumpara noong opening day dahil nasimulan agad nila agad ang laro ng maganda at ayon sa nais nila.

“Kahit papaano doon sa performance ng team kumpara noong first game medyo mas maganda-ganda ngayon kasi kumabaga nasimulan agad namin ng tama,” wika ni Javier. “Lagi ko lang sinasabi sa mga bata na dapat every game - kahit sa practice - dapat tine-treat ‘yun as championship game.”

Dominanteng sinimulan ng Arellano ang first set bago nagawang magpakaba ng Lady Cardinals sa second pero bigo itong makatsamba at sa pagpasok ng third ay mas lalong uminit ang Lady Chiefs nang iposte nila ang 21-9  bentahe patungo sa pagkopo ng ikalawang sunod na panalo.

Samantala, limang sets ang kinaila-ngang gapangin ng Jose Rizal University Lady Bombers ang 22-25, 25-19, 21-25, 25-21, 15-8 panalo para takasan ang San Sebastian Lady Stags para sa magarbong simula ng kanilang kampanya.

Naging pangunahing bala ng tropa ang third year skipper at kapitanang si Dolly Versoza na nagposte ng 21 points, kabilang na ang 6 puntos sa krusyal na fifth set sa likod ng 16 attacks, 3 aces at 2 blocks at may sahog pang 20 excellent digs.

 Tatlong manlalaro rin mula sa JRU ang tumapos ng double-digit sa pa-ngunguna ni Sydney Niegos na may 13 markers, mula sa 5 kill blocks habang sina Riza Rose at Melgar ay may 12 at 11 points, ayon sa pagkakasunod. (FJ)

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with