Boston Celtics wagi sa Chicago Bulls
(Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

BOSTON – Humataw si Jayson Tatum ng 21 points habang may 19 markers si Jaylen Brown para pamunuan ang 113-101 panalo ng Celtics laban sa Chicago Bulls.

Nagdagdag si Enes Kanter ng 15 points at 9 rebounds at may 14 at 12 markers sina Kemba Walker at Marcus Smart, ayon sa pagkakasunod, para sa ikalawang sunod na ratsada ng Boston matapos ang season-high three-game losing skid.

“It’s a lot of fun when everybody’s contributing. Guys are genuinely happy for one another’s success,” sabi ni Tatum.

Binanderahan ni Zach LaVine ang Chicago sa kanyang 30 points, tampok dito ang ilang highlight dunks habang may 17 markers si Thaddeus Young.

Naisuko ng Bulls ang pito sa kanilang huling walong laro.

Sa Portland, nagpasabog si Damian Lillard ng 30 points kasama ang isang buzzer-beating 3-pointer malapit sa halfcourt sa pagtatapos ng third quarter para tulungan ang Trail Bla-zers na igupo ang Charlotte Hornets, 115-112.

Nagtala si CJ McCollum ng 27 points at naglista si Anthony Tolliver ng season-high 16 points na ginawa niyang lahat sa fourth quarter para tapusin ng Portland ang kanilang two-game overall losing skid at four-game losing slump sa Moda Center.

Ipinalasap din ng Blazers ang pang-limang dikit na kamalasan ng Hornets.

Sa Sacramento, nagsalpak si Aaron Gordon ng isang three-point play sa huling 1.1 segundo para ilusot ang Orlando Magic kontra sa Kings, 114-112.

JAYLEN BROWN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with