^

PM Sports

Jeremiah Gray nagpasiklab sa SMB-Alab

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi nagpasindak ang Alab Pilipinas kahit pa kontra sa ex-NBA player na si OJ Mayo matapos umiskor ng malaking 101-96 tagumpay sa Fubon Braves sa pagpapatuloy ng 2019-2020 ASEAN Basketball League kamakalawa sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Pinaka-nagningning para sa San Miguel-backed franchise ang Fil-Am sniper na si Jeremiah Gray na nagpakawala ng nagliliyab na tres sa 58 segundo upang palawigin sa 99-94 ang abante ng home team.

Si Gray din ang nakapigil kay Mayo sa sumunod na possession na nagtulak sa dalawang free throws ni world import Khalif Wyatt tungo sa tagumpay.

Malaking bounce back win ito sa Alab matapos mapatid ang winning streak nito kontra sa Macau Wolf Warriors noong nakaraang linggo, 93-98.

Umangat na sa 5-2 ang baraha ng Alab para sa ikalawang puwesto papasok sa gitnang bahagi ng regular season.

Naglista ng 17 puntos si Grey, 10 sa fourth quarter, sahog pa ang anim na assists at limang rebounds upang pamunuan ang local side ng Alab.

Steady naman ang kontribusyon ng sco-ring imports na sina Nick King at Wyatt na may 22 at 21 markers, ayon sa pagkakasunod.

Matapos naman malimitahan lang sa apat na puntos at pitong rebounds kontra sa Macau, nagwala si Sam Deguara ngayon nang humakot ng 26 markers at 14 rebouds.

Sa kabilang banda, bigo ang Fubon na mapanghawakan ang malaking 82-74 kalamangan nito sa huling minuto tungo sa masaklap na road loss.

Laglag sa 6-4 ang Braves sa kabila ng 35 puntos, siyam na assists at anim na boards ni Mayo.

Nasayang din ang 27 puntos at anim na rebounds ng isa pa nilang world import na si Charles Garcia.

Magkakaroon muna ng saglit na pahinga ang Alab bago dayuhin ang Slingers sa Singapore sa Enero 12 habang tatangkang makabawi agad ang Fubon kontra sa Macau sa Enero 10.

vuukle comment

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with