Ravena, Tungcab idinagdag sa Gilas cadet pool
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglaki ng Gilas Pilipinas cadet team na ihahanda ng Sa­ma­­hang Basketbol ng Pi­­lipinas (SBP) para sa 2023 FIBA World Cup.

Ito ay matapos idagdag sina Thirdy Ravena ng Ateneo at Jaydee Tungcab ng University of the Philippines sa inis­yal na mga manlalarong magsisimula nang mag-en­sayo bilang sariling koponan sa loob ng tatlong taon at higit pa.

Kinumpirma ito mis­mo ni SBP president Al Panlilio kahapon isang bu­wan bago ang una ni­lang sasalihang koponan na 2021 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Peb­rero.

Kagagaling lang ni Ra­vena sa makulay na UAAP career para sa Blue Eagles na nadala ni­ya sa tatlong sunod na kam­peonato tampok ang 16-0 sweep sa katatapos lang na Season 82.

Nagrehistro siya ng mga averages na 14.2 points, 6.6 rebounds, 2.6 assists at 1.1 steals tungo sa ikatlong sunod na Finals MVP award.

Bagama’t limitado naman ang aksyon sa Figh­ting Maroons na kargado nina stars Ricci Rivero, Ko­be Paras, Juan at Javi Gomez De Liaño gayundin ni Bright Akhuetie, na­pili pa rin si Tungcab dahil sa galing niya sa depensa at sa tres.

Makakasama nila sina Isaac Go ng Columbian, Rey Suerte ng Blackwater, Matt Nieto ng NLEX, Allyn Bulanadi ng Alaska at Mike Nieto ng Rain or Shine na nakapasok na sa PBA sa ginanap na 2019 PBA Rookie Draft.

Sila ang top five draft picks subalit ayon sa kasunduan ng SBP at ng PBA ay ipapahiram muna si­la sa Gilas Pilipinas para sa PBA Rookie Draft.

Aalalayan din sila ng mga PBA players para sa ‘hybrid’ team, ayon pa kay Panlilio.

Pansamantala lamang ito habang pinaplantsa pa ang programa ng SBP pa­ra sa permanenteng national team na sasalang sa 2023 FIBA World Cup at sa susunod pang mga tor­neo.

Matutukoy pa lamang ang mga naturang PBA pla­yers na tutulong sa cadets sa nakatakdang pagpupulong ng PBA Board at ng SBP.

Nakatakda ang unang laban ng Gilas sa 2021 FI­BA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero 20 kontra Thailand.

Nasa Group A rin ang Korea at Indonesia.

Kabuuang 24 kopo­nan sa Asya ang magpapangbuno sa qualifiers pa­ra sa misyong makapasok sa FIBA Asia Cup na pinakaprestihiyosong tor­neo sa kontinente.

FIBA WORLD CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with