_pang-masa
^

PM Sports

Cruz sa Abril pa muling makakalaro para sa Blackwater

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Cruz sa Abril pa muling makakalaro para sa Blackwater

MANILA, Philippines — Hindi makakalaro si Carl Bryan Cruz para sa Blackwater sa unang ba­hagi ng 2020 PBA Season upang pagalingin ang kanyang injury mula sa knee surgery.

Sumailalim sa surge­ry ang Elite forward sa off-season matapos silang ma­tanggal sa 2019 PBA Go­vernors’ Cup.

Kasalukuyan siyang nag­papagaling sa Metafactor Wellness matapos ang Platelet-rich plasma (PRP) procedure.

Sasailalim ulit siya sa isa pang PRP procedure sa Enero.

Sa Marso 3 pa magbu­bukas ang 45th Season ng PBA kaya’t magkakaroon ng apat na buwang pahinga ang dating FEU Tamaraws standout.

Ayon sa dating Gilas Pilipinas player, makakaliban siya sa unang ba­hagi ng 2020 Philippine Cup at sa Abril makakabalik.

Nalipat si Cruz sa Blackwater bago ang 20­19 PBA Go­­vernors’ Cup.

 

CARL BRYAN CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with