Tokyo gagastos ng $12.6 bilyon sa Olympics
(Pang-masa) - December 22, 2019 - 12:00am

TOKYO — Gagastos ang Tokyo Olympic or­ga­­ni­zers ng 1.35 tril­lion Japanese yen (US$12.6 billion) para sa pagda­raos ng nasabing quadrennial event sa susunod na taon.

Ayon sa mga organi­zers, hindi nagbago ang nasabing pigura simula noong nakaraang taon.

Ngunit ang pagpasok ng sponsorship pati na ng ticket sales ang nagbigay sa Tokyo Olympics orga­nizers ng contingency fund na US$300 milyon.

Sinabi naman ng National Audit Board ng Ja­pan sa isang 177-page re­port na inihanda para sa national legislature, mas malaki pa ang magagastos ng bansa para sa 2020 Olympics taliwas sa pa­ha­yag ng mga organizers.

Nasa audit lists ang dagdag na US$9.7 billion na mga Olympic-related costs na hindi isinama ng mga or­ga­nizers.

Bukod pa dito ang pa­hayag ng Lungsod ng Tokyo na gagastos sila ng US$7.4 billion (¥810 trillion) sa mga Olympic-related projects.

Sinabi ni Tokyo Go­ver­nor Yuriko Koike na ang nasabing gastos ay “for projects directly and in­directly related to the games.”

Gagastusan ng Tokyo ang pagpapagawa ng mga barrier-free facilities para sa mga Paralympic athletes, training programs para sa mga volunteers at mga advertising plans.

“The government Olympic and Paralympic office should disclose more by grasping the over­all picture of the ope­rations and costs,” sabi sa audit report.

OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with