Philippine team yayamanin sa Pasko
Russell Cadayona (Pang-masa) - December 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bago pa man ang Araw ng Pasko ay makakatanggap na ang mga atletang kumolekta ng mga medalya sa katatapos lang na 30th Southeast Asian Games ng regalo mula saPangulong Rodrigo Duterte.

Kabuuang P106 milyong cash incentives ang ila-labas ng Philippine Amusements and Gaming Corporation para sa insentibo ng mga 149 gold, 117 silver at 121 bronze medalists ng biennial event.

Si Pangulong Duterte mismo ang mag-aabot ng tseke ng mga national athletes sa isang courtesy call sa Malacañang sa Disyembre 18.

“We are already preparing the incentives which will be given out on December 18,” sabi kahapon ni PAGCOR chairman at CEO Andrea Domingo.

Sa ilalim ng Republic Act 10699 or the National Athletes, Coaches and Trainers Benefits and Incentives Act, ang gold medalist sa SEA Games ay tatanggap ng cash incentive na P300,000 habang P150,000 at P60,000 naman ang makukuha ng mga silver at bronze medal winners, ayon sa pagkakasunod.

Sa mga team events na hindi hihigit sa lima ang partisipante ay tatanggap din ng cash incentives kapareho ng mga individual medal winners na kanilang paghahatian.

Sa mga events namang may mahigit sa limang kalahok, ang bawat miyembro ng tropa ay makakakuha ng 25 porsiyento ng insentibo para sa mga individual medal winners.

Nangako si Presidente Duterte na magdaragdag ng P250,000 para sa gold, P150,000 para sa silver at P100,000 para sa bronze.

Hiwalay pa ito sa pahayag ni Philippine Olympic Committtee chief Abraham Tolentino sa send-off ce-remony noong Nobyembre na tatapatan nila ang insentibong ibibigay ng pamahalaan sa mga atleta.

Sa kabuuan, ang isang gold medalist ay maaa-ring tumanggap ng cash incentives na P850,000.

Si world champion Carlos Edriel Yulo ay humablot ng dalawang gintong medalya sa all-around at floor exercise events ng men’s artistics gymnastics bukod pa dito ang limang pilak na medalya at double gold medalists din ang wushu artists na si Aga-tha Wong.

Malaki rin ang kukubrahin ng apat na pares ng dancesport na nanalo ng 10-golds at 2-silver.

Ito ay sina Sean Mischa Aranar-Ana Leonila Nualla (3 golds), Wilbert Aunzo-Pearl Marie Cañeda, (3-golds) Mark Jayson Gayon-Mary Joy Reginen (2-golds, 1-silver), at Michael Angelo Marquez at Stephanie Sabalo (2 golds, 1-silver).

May individual gold at doubles gold din sina Chezka Centeno at Rubilin Amit sa billiards. May indvidual gold at parte din sa winning team relay si Eric Cray.

PHILIPPINE TEAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with