Unang gold ng Pinas sa pentathlon
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umukit ng kasaysayan sina Samuel German at Princess Arbilon matapos maging kauna-unahang mixed relay champion ng inaugural modern pentathlon beach laser mixed relay sa pagpapatuloy ng 30th Southeast Asian Games dito sa Subic Bay Boardwalk kahapon.

Tinapos ng pares mula sa Ormoc, Leyte ang laser-run event sa loob lamang ng 13 minuto at 27.34 segundo para sa natatanging gintong medalya ng bansa dito sa Subic cluster dahil preliminary rounds pa lamang ang ibang events.

Sumegunda sa kanila sina Muktapha Changhin at Narong Deck Taparak ng Thailand (13:28.32) habang nagkasya lang sa bronze medal ang tandem nina Frada Saleh at Cintya Nariska ng Indonesia (13:59.54) na winalis ang individual events.

Matamis na higanti ito nina German at Arbilon matapos mabigong masiguro ang gintong medalya para sa bansa sa ginanap na beach laser individual events kahapon nang umaga.

Nagkasya lamang si German sa silver medal sa men’s individual event sa oras na 13:27.29.

Si Taufik Muhammad ng Indonesia ang nag-uwi ng ginto sa oras na 13:02.24 habang bronze medal ang kinopo ni Marcus Wei Ong Ming.

Laglag naman sa labas ng women’s podium si Arbilon na yumukod sa 1-2-3 finishers na sina Dea Salsabila Putri (15:23.59) ng Indonesia, Natpapat Sangnio (16:17.29) ng Thailand at Shermaine Tung Kaixin (16:29.22) ng Singapore.

Samantala sa iba pang laro, bronze medal na lamang ang nasiguro ng Philippine men’s sepak takraw team doubles matapos matalo sa Myanmar sa semifinals, 1-2.

Parehong tansong medalya rin ang nauwi ng Philippine duathlon team nina Monica Torres, Efrraim Inigo, Mary Pauline Fornea at Emmanuel Comendador.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with