Ginto kina Didal, Lederman
Chris Co (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Winalis ng national skatingboarding team ang dalawang gintong medalya sa Game of Skate sa 2019 Southeast Asian Games skateboarding competitions kahapon sa Sigtuna Hall sa Tagaytay City.

Nanguna sa magarbong ratsada ng Pilipinas sina reigning Asian Games gold medallist Margielyn Didal at katropang Christiana Means na nakumpleto ang 1-2 punch sa women’s division.

Pinabilib ni Didal hindi lamang ang mga hurado maging ang mga nanood ng live sa venue matapos ilatag ang kanyang world-class performance kabilang na ang ollie body/varial trick.

Hindi sumablay si Didal sa kanyang mga tricks para matamis na angkinin ang kampeo-nato habang ilang mintis ang nagawa ni Means dahilan para mahulog ito sa silver medal.

Muling nagdiwang ang Pinoy fans nang makuha naman ni Daniel Lederman ang gintong medalya sa men’s class.

Pinataob ni Lederman sa finals si Basral Hutomo ng Indonesia na nagkasya sa pilak na medalya.

Lumaban din ang 12-anyos na si Hutomo na nagpamalas din ng kakaibang husay at tikas sa kanyang murang edad.

Ngunit hindi hina-yaan ni Lederman na maagaw ang spotlight sa kanya makaraang ilatag nito ang 360 front side at laser flip na umani ng malakas na hiyawan mula sa crowd.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with