Luka Doncic
Doncic binanderahan ang Mavs sa paggiba sa Rockets
(Pang-masa) - November 26, 2019 - 12:00am

HOUSTON -- Sinabi ni Dallas head coach Rick Carlisle na isang mahalagang panalo ang kanilang kinuha laban sa Rockets.

“This is a big win. There’s no question about that,” pahayag ni Carlisle. “You come in here, this is a big-time place to play and you’re playing against great players. So our guys deserve credit but this is a process and it’s day by day and week by week and we’ve got to continue to go for daily improvement.”

Humataw si guard Luka Doncic ng 41 points, habang nagdagdag si Tim Hardaway Jr. ng season-high na 31 markers para sa 137-123 paggupo ng Mavericks kontra sa Rockets.

Umiskor ang Dallas ng 45 points sa first quarter at kinuha ang 78-60 bentahe sa halftime.

Tumipa si Hardaway ng 19 points sa first half, ha­bang may 17 at 15 markers naman sina Doncic at Kristaps Porzingis, ayon sa pagkakasunod.

“That first quarter killed us,” sabi naman ni Houston veteran guard P.J. Tucker.

Umiskor si James Harden ng 32 points mula sa kanyang  masamang 2-of-15 shooting sa three-point line para sa Rockets.

Sa Los Angeles, tinumbasan ni Montrezl Harrell ang kanyang career-high na 34 points at nagdagdag si Kawhi Leonard ng 26 markers para iha­tid ang Clippers sa 134-109 pagdurog sa New Orleans Pelicans.

Ito ang pang-limang sunod na arangkada ng Los Angeles.

Nag-ambag si Lou Williams ng 19 points at may 18 markers si Paul George para sa Clippers na nagsalpak ng 16 three-pointers.

Pinamunuan naman ni Brandon Ingram ang Pe­licans mula sa kanyang 24 points kasunod ang 18 at 17 markers nina Jrue Holiday at E’Twaun Moore, ayon sa pagkakasunod.

Sa New York, humataw si Spencer Dinwiddie ng 30 points para pangunahan ang Brooklyn Nets sa 103-101 pagtakas sa Knicks. 

Naglista si Jarrett Allen ng 18 points at 10 rebounds para sa Nets, habang kumolekta si Taurean Prince ng 14 points, 11 rebounds at 5 assists.

Sa Denver, kumamada si Paul Millsap ng 23 points at may tig-22 markers naman sina Jamal Murray at Will Barton para sa 116-104 panalo ng Nuggets laban sa Phoenix Suns.

Nilimitahan ng Denver si Phoenix guard Devin Booker sa season-low na 12 points.

LUKA DONCIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with