274 gold sa SEA Games -- Ramirez
Russell Cadayona (Pang-masa) - November 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung pagbabasehan ang tagumpay nina gymnast Caloy Yulo, pole vaulter EJ Obiena at lady bo­xer Nesthy Petecio sa world stage ay malaki ang posibilidad na makamit ng Team Philippines ang overall crown sa darating na 30th Southeast Asian Games.

Bukod pa diyan ang me­dal projection na 274 gold medals na mahahakot ng 55 National Sports Associations sa biennial event na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“The signs of the past months are very good. We’ve seen the victories of Caloy Yulo, EJ Obiena, Nesthy Petecio,” sabi ni Phi­lippine Sports Commission chairman at Chef De Mission William ‘Butch’ Ra­mirez. “May domino effect iyan sa mga bata.”

Ang gold-medal projection ng 55 NSAs ay na­hugot ng PSC mula sa isinagawa nilang consul­ta­tive meetings.

“Forty-five of the 56 sports associations project a haul of 274 gold medals. Tinignan ko ang forecast nila, and it’s not impossible,” wika ni Ramirez. “Noong na­kita ko ‘yung projection ni­la, possible talaga.”

“In my own discer­ning, it’s No. 1 or No. 2. But to be conservative, I would make it top three (finish),” dagdag pa ng PSC chief.

Sa nakaraang SEA Games noong 2017 sa Kua­la Lumpur, Malaysia ay nag-uwi lamang ang mga Pinoy athletes ng ka­buuang 24 gold medals mula sa 406 bukod pa ang 33 silvers at 64 bronzes.

Para palakasin ang tsansa ng mga Pinoy athletes na makamit ang overall championship ng 2019 SEA Games ay naglabas ang sports commission ng pondong P1 bilyon para sa kanilang mga foreign trai­ning at exposure.

Inaasahan ding sasan­dalan ng 1,085 atleta (640 lalaki at 445 babae) ang ka­nilang homecourt ad­van­tage sa naturang 11-nation biennial meet na nag­lalatag ng 530 events.

Ito ang ikaapat na pagkakataon na pamamahalaan ng Pilipinas ang SEA Games matapos noong 1981, 1991 at 2005.

Noong 2005 Manila SEA Games ay kumolekta ang 892 Filipino athletes ng kabuuang 112 gold sa 444 events.

 

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with