LeBron, Kobe nagkita
(Philstar.com) - November 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinili ni Kobe Bryant ang magandang Los Angeles Lakers game para sa kanyang unang pagbisita sa Staples Center matapos ang matagal na panahon.

Sa kanyang bibihirang post-retirement appea­rance sa arena kung saan marami siyang inilaro sa kanyang NBA career, napanood ni Bryant ang pagdomina ng Lakers sa Atlanta Hawks 122-101 at nagkaroon ng pagkakataong mag-enjoy.

Dahil nakapuwesto sa courtside, nagkaroon ng momento si Bryant kay LeBron James sa first quarter na sinundan ng 3-pointer ng superstar para ilagay ang L­akers sa 24-5 kalamangan.

Tumapos si James ng 33 points, 12 assists, 7 rebounds at walang turnovers, para sa +30 sa larong wala nang ibang umabot sa 20 points ma-liban sa kanya.

Tumaas ang kilay ng lahat nang magbatian si Bryant at Dwight Ho-ward na nabigyan ng ikalawang pagkakataon sa Lakers na nagpaalala sa lahat ng kanilang rivalry noong magkasama pa sila sa team.

“I didn’t even know who it was,” sabi ni Ho­ward pagkatapos ng la­ro, ayon sa ulat ni Mark Medina ng USA Today. “He slapped me on the neck and I was about to elbow him. Then he said, ‘What’s up, man. You’re playing good.’ It was cool, man. I was glad he came to the game.”

Walang gaanong public appearance si Bryant dahil mas pinapaha-lagahan nito ang gawain sa bahay. 

“I have a life and I have my routine at home,” Bryant said. “It’s not that I don’t want to go [to Lakers games], but I’d rather be giving B.B. a shower and sing Barney songs to her. I played 20 years and I missed those moments before,” paha­yag ni Bryant sa interview ng Los Angeles Times noong October.

KOBE BRYANT NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with