De Guzman kumpiyansa sa tsansa ng mga Pinoy spikers sa 2019 SEA Games
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - November 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naniniwala si Philippine men’s national volleyball team captain Johnvic De Guzman na matutuldukan ng tropa ang 28-year medal drought ng bansa sa men’s volleyball competition ng darating na 30th Southeast Asian Games.

Huling nakapagbulsa ng tansong medalya ang Nationals sa biennial meet noong 1991 Manila edition at mula ng makabalik ito sa torneo noong 2015 matapos ang 10 taon pagkawala ay hindi na nakapag-podium ang mga Pinoy spikers.

Sa angas at lakas ng pambansang koponan ngayon na binubuo ng magkahalong beterano at mga batang manlalaro ay tiwala si De Guzman na magagawa nilang makapagbigay karangalan sa bansa.

“Siyempre, ngayon talagang ini-expect namin na talagang may makukuha ang men’s volleyball,” pahayag ni De Guzman na ikaapat na sunod na taon ng bahagi ng pambansang koponan, kabilang na ang paglalaro sa Asian Men’s U-23 Volleyball Championships noong 2015.

“Ito na ‘yung paulit-ulit kong sinasabi sa interviews na ito ‘yung team na sasa­bihin kong solid talaga na kahit ‘yung nasa bench malalim talaga,” dagdag nito.

Inamin din ng dating College of Saint Benilde Blazers stalwart na magkakatalo na lamang ang buong tropa pagdating sa kanilang skill level at kung anong igagalaw nila sa loob ng court sa pagsisimula ng torneo sa Disyembre 2.

Tinapos ng national team ang kanilang 16-day training camp sa Japan at naki­pagsalpukan sa ilang Japanese club at school based-squads bilang bahagi ng ka­nilang pagsasanay at paghahanda para sa 2019 SEA Games.

“I think isa na iyon sa magandang experience na makukuha namin, especially ‘yung Japan kilalang-kilala naman pagdating sa volleyball talagang maganda ‘yung program nila,” wika pa ni De Guzman.

“Kahit papaano sana ma-adjust at ma-adopt namin bago mag-SEA Games ‘yung kung paano sila maglaro,” pagtatapos nito.

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with