Gilas women’s team sibak sa pre-qualifying
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - November 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nabigo ang Gilas Pilipinas women na makaiskor ng panalo matapos ang 49-127 pagyukod sa bigating China sa pagsasara ng ka­nilang kampanya sa FIBA Asia-Oceania Pre-Olympic Qualifying Tournament sa Auckland, New Zealand.

Bokya sa tatlong salang ang Nationals matapos makalasap ng 54-111 at 75-114 pagkatalo kontra sa malalakas na New Zealand at South Korea, ayon sa pagkaka­sunod.

Laban sa higanteng mga Chinese ay naiwan kaagad sa 10-36 simula ang mga Pinay ballers at hin­di na muling nakaahon para sa 78-point loss.

Naglista ng 16 points si Janine Pontejoe upang maging tanging manlalaro na nakapagpakitang-gi­las para sa Gilas Pilipinas squad.

Dinomina ng Chinese ang mga Pinay sa rebounding department, 69-21, at sa assists, 40-9.

Limang players ang tumipa ng double figures para sa China sa pangunguna ni Xu Han na kuma­mada ng 26 points at 9 rebounds sa 23 minuto.

Nag-ambag ng 14, 12 at 11 markers sina Yueru Li, Sijing Huang at Siyu Wang, ayon sa pagkaka­sunod, habang may tig-10 points sina Liwei Yang at Mengran Sun para sa Chinese team.

Umangat ang China sa 2-1 kartada sa Pool A para makasiguro ng puwesto sa semis kung saan tatlong koponan ang mabibigyan ng tiket sa OQT proper na magiging daan patungo sa 2020 Tokyo Olympic Games.

Tanggal na sa kontensyon ang Gilas women at itutuon na lamang nila ang atensyon sa paghahanda para sa 30th Southeast Asian Games na nakatakda mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Hangad ang Nationals na masikwat ang una ni­lang gintong medalya sa SEA Games women’s basketball matapos ang pares ng bronze medal fi­nish noong 2013 at 2015.

Nagkasya lamang sila sa 4th place noong 2017 SEAG sa Malaysia.

 

GILAS WOMEN’S TEAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with