‘Di pa tapos ang laban
(Pang-masa) - November 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpleto ni MVP Calvin Oftana ang three-point play sa huling 19.1 segundo upang isalba ang top seed San Beda Red Lions kontra sa No. 3 seed Letran Knights, 79-76 kahapon at humi-rit ng do-or-die battle sa kanilang best-of-three Finals series ng Season 95 NCAA men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena (MOA) sa Pasay City.

Abante pa ng dala­wang puntos ang Letran, 76-74 sa fall-away jumper ni Larry Muyang, ngunit umarangkada si Oftana ng drive at nakakuha ng foul mula kay Bonbon Batiller para sa three-point play upang bawiin ang bentahe 77-76 mahigit 19.1 segundo na lang ang nalalabi. 

Matapos magmintis si Batiller sa return play dumayo naman si James Kwekuteye sa free throw line sa foul ni  Muyang para sa final score.

Umani ang Fil-Canadian na si Kwekuteye ng 21 puntos, pitong rebounds at anim na assists habang si Oftana ay tumapos ng 17 puntos, 11 rebounds at dalawang assists at 17 puntos din mula kay Clint Doliguez para sa Red Lions na dadaan sa winner-take-all match sa Finals sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong seasons.

Muling maghaharap ang karibal na San Beda at Letran sa Martes para pag-agawan ang titulo sa Game 3 ng serye sa parehong venue.

Sa kanilang determinasyon na itabla ang serye, higit na mas-agresibo ang Red Lions sa depensa at opensa kaya hindi naka-iskor ang Letran sa loob ng anim na minuto para sa 15-0 bentahe mula sa dalawang sunod na drive ni Kwekuteye.

Sa juniors’ division, bumawi naman ang Ly­ceum Junior Pirates kon­tra sa San Beda Red Cubs, 79-74, upang humirit ng do-or-die battle sa kanilang best-of-three Finals series.

 Samantala, dinomina ng Red Lions ang Mythical Five sa pangunguna ni MVP Calvin Oftana sa individual awarding rites bago nag-umpisa ang Game 2 ng Finals.

Kasama ni Oftana sina teammates James Kwekuteye at Evan Nelle sa Mythical Five na kinabilangan din nina Allyn Bulanadi ng San Sebastian at Jaycee Marcelino ng Lyceum.  (FCagape)

SAN BEDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with