Harden muntik mag-triple double sa panalo ng Rockets laban sa Bulls

CHICAGO — Kumo­lekta si star guard James Harden ng 42 points, 10 rebounds at 9 assists para pamunuan ang Houston Rockets sa 117-94 panalo sa Bulls.

Nagdagdag si Russell Westbrook ng 26 points para sa tagumpay ng Rockets (5-3).

“That’s the confidence I have,” pahayag ni Har­­den na nagtala ng 8-of-14 shooting sa three-point line. “That’s the confidence that I’ve built off of the work I put in. It’s more of a mindset.”

Pinamunuan naman ni Wendell Carter Jr. ang Bulls (3-6) mula sa kanyang 13 points at 16 rebounds.

May 4-for-32 clip ang Chicago mula sa 3-point range.

Sa Charlotte, humataw si Brandon Ingram ng 25 points para ihatid ang New Orleans Pelicans sa 115-110 panalo la­ban sa Hornets.

Tinapos ng Pelicans ang kanilang three-game losing slump.

Tumipa si JJ Redick ng 22 points kasama ang limang triples, habang may 12 markers at 11 assists si  Jrue Holiday.

Sa Oklahoma City, umis­kor si forward Da­nilo Gallinari ng 19 points, habang may 18 mar­­­kers si guard Dennis Schroder para banderahan ang 114-108 panalo ng Thunder laban sa Gol­­den State Warriors.

Humugot naman si D’Angelo Russell ng 17 sa kanyang 30 points sa third quarter para sa Warriors.

Sa Memphis, nag­la­tag si guard Luka Don­cic ng 24 points, 14 rebounds at 8 assists pa­ra igiya ang Dallas Mavericks sa 138-122 pag­giba sa Grizzlies.

Nagdagdag si Tim Hard­away Jr. ng 20 points para sa Dallas.

Sa San Antonio, nagsalpak si Jaylen Brown ng 30 points para ihatid ang Boston Celtics sa 135-115 panalo laban sa Spurs.

Nagdagdag si Kemba Walker ng 26 points para sa pang-pitong sunod na ratsada ng Boston (7-1).

Nagkaroon si Gordon Hayward ng injury.

Show comments